| Leave a Comment

Puso sa Negosyo, Katumbas ay Asenso!

Isa sa nakakasabik na dahilan para makapag-simula sa pagnenegosyo ay ang posibilad na magkatotoo ang iyong matapang na ihaminasyon. 

Para sa ilang negosyante, mas importante pa ito kaysa a pangarap na yumaman. “entrepreneurial passion” ang tawag nila dito sa ingles, at pwede mo itong gawing puhunan ng iyong asenso, lalo na kung sa palagay mo matagalan at masalimuot ang iyong pagdadaan bago yumaman...



Ang entrepreneurial passion ang siyang ginamit ng mga tulad ni Steve Jobs, Walt Disney at Bill Gates sa kanilang matayog na pakikibaka sa mundo ng pagnenegosyo. Kung epektibo sa kanila, epektibo rin ito kahit kanino:  

NEGOSYONG MAHAL NA MAHAL MO
Hindi sa sapat na in love ka lang sa napili mong negosyo. Dapat baliw na baliw ka sa kanya, na tipong gagawin mo lahat matupad lamang ang pangarap mong ito. Yung tipong hindi ka titigil kahit ano mangyari dahil kakayanin mo lahat ng problema kapag mahal mo ang negosyo mo. Hindi ka naman paaalipin sa negosyo mo, pero kung hindi ka rin lang Masaya sa negosyong ay ititigil mo ito kahit maganda ang kita. Tiwala k sa iyong asenso, at matapang kang naniniwala sa posibilad ng iyong asenso dito.

BUMUO NG TEAM NA KATULAD MO  
Sa ano mang malakihang negosyo, walang umasesno mag-isa. Kahit gaano ka kabaliw sa negosyo mo, hindi mo kakayanin mag-isa. Kung kayanin mo man, napakabagal ng iyong pag-usad. Pero bkit mo kakayanin mag-isa kung meron naming iba na tulad mo na baliw din sa larangan ng negosyong napili mo at katulad mo rin maagtraabaho na puspusan, dibdiban, at bigya todo. Habang itinatayo mo ang iyog imperyo sa negosyo, unti-unti mong itayo ang iyong pangunahing team na magiging hindi lang katuwang sa trabaho kungdi tagapagtanggol ng pangarap mo. Pag asenso mo, damay mo sila sa yaman at tuwa.  

KARANASAN PARA SA IYONG KOSTUMER
Kung ang iyong mga kalaban sa negosyo produkto o serbisyo ang ibinebenta sa mga kostumer, iba ka. Karanasan ang ibinebenta mo, customer satisfaction. Mas mahusay man ang produkto ng iba, mas pipiliin ka pa rin nila. Ano ibig sabihin nito? Eh di mas madaling gamitin ang produkto mo, swak sa bulsa nila, mas akma sa kanilang pangangailangan, at alam nila na kung sakling may problema sila sa produkto mo, hindi naman sila magkakaproblema sa’yo.  

HIGIT SA LAHAT, KALIDAD
Tipirin mo na ang lahat ng bagay, pwero walang dahilan para magtipid sa kalidad. Bagamat malaki ang gastos para maitaas ang kalidad ng produkto o serbisyo, gumawa ka ng paraan para maging kaya-aya pa rin ang iyong presyo. Hindi mo kailangang magpalugi, dapat mo lang ipaunawa  sa iyong mga kostumer na higit pa sa produkto o serbisyo ang kanilang benepisyo kungdi relasyon sa iyong organisasyon at sayo. Sa ganitong paraan aang iyong pagmamahal sa iyong negosyo ay ramdam ng kostumer, at binibilang nila itong pagmamahal na rin sa kanila. Alam nilang may puso ka at mas gugustuhin nilang bumili o tumangkilik sa negosyanteng ang puso ay hindi sap era kungdi sa serbisyo sa kapwa.    

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...