Ano man ang sitwasyon mo sa buhay, kung hindi mo kayang ipasa ang hamon ng “time management”, pihadong ipapalpak mo rin ang mas mabigat na hamon ng pagnenegosyo. Ang pagba-budget ng oras ay isang isyu ng disiplina sa sarili. Bago ka pa man mageksperimento sa unang negosyo, pwedeng dito ka muna magpaka eksperto. Kapag naisa-ayos mo na ang iyong oras ayon sa pangangailangan mo ngayon, ang susunod na hamon ay humanap o “lumikha” ng oras para maisingit ang paguumpisa ng negosyo.
IKALENDARYO ANG LAHAT NG BAGAY
Oo, pati pagda-drive mo, pagtulog, pagaaral ng dokumento. Lahat dapat naka kalendaryo. Kailangan naka iskedyul pati ang mga oras na wala kang ginagawa o nagrerelax, dahil hindi ka magiging tunay na epektibo kung bawat oras ng mag-hapon ay busy ka. Dapat mong alamin kung anong mga oras ka pinaka-masigla, at anong oras ang iyong katamaran. Bagama’t sa umpisa ay kakain ng oras mo ang pagkakalendaryo, sa huli ay magiging epektibong prepapasyon ito para ma-maximize mo ang bawa’t oras mo para sa pamilya, trabaho at negosyo.
HUMATAW SA ORAS NG IYONG KASIGLAAN
Kung anong oras ka pinaka-masigla, duon mo gawin ang mga mahirap na trabaho. Karaniwan, pumapatak ito ng umaga. Kung may natutunan kang taliwas dito, kalimutan mo muna at subukin magtrabaho sa umaga --- subali’t huwag mo pabigatin ang iyong katawan sa pag-kain ng mabigat na agahan. Mas magiging malinaw ang iyong isip, magaan ang iyong katawan, mas mabilis kumilos at mag-isip, mas maarami kang magagawa sa umaga. Sa tanghalian ka na bumawi ng kain, kung kalian mas makakahinga ka na dahil marami ka nang natapos na trabaho.
MAG-ORGANISA NG SARILING TRABAHO
Kung paano ka nag-kalendaryo ng lahat ng iyong gawain, gayon din ay isaayos o i-organisa ang lahat ng gawain --- gawin mong napaka sistematiko hanggat kaya mo. Kapag natapos ang isang dokumento, halimbawa, i-file mo agad sa kaukulang folder. Wala nang isip-isip, automatic nay un. Kapag hinanap mo ang isang particular na dokumento, alam mo agad kung saan hahanapin, automatic na yun, hindi ka na magsasayang ng oras sa paghahanap.
HINDI KA SUPERMAN, MAGPA-TRABAAHO KA SA IBA
Napakaraming detalye ang dapat asikasuhin sa isang negosyo, pero hindi lahat ay pare-pareho ng antas ng importansya. Kunin mo ang pinaka importante, yung nangangailangan ng desisyon mong personal; at iutos sa iba ang mga maliit na bagay, lalo na yung paulit-ulit lang o routinary. Malamang ay kailangan mong mag-train muna ng tao sa umpisa, at kakain din ito ng oras mo. Pero sabandang huli ay mas makakatipid ka ng oras. Kalaunan, mapapansin mo rin na may mga tauhan na mabilis matuto, mahusay sumunod sa iyong utos, may malasakit, at kahang pumasan ng mas maraming responsibilidad. Pwede mo silang pasahan ng mas marami, at mas maselang trabaho sa hinaharap, at kalaunan ay i-promote. Sa ganitong paraan, habang lumalaki ang iyong negosyo, dumadami ang iyong taong makakatuwang.
SAMANTALAHIN ANG TEKNOLOHIYA
Bilang negosyante, ang pangunahing gamit sa iyo ng smartphone ay hindi pang-display, kungdi extension ng iyong kapasidad bilang tao. Pwede itong magsilbi ito sayo na parang sekretarya, accounting assistant, researcher, at iba pa. Pwede mo ring gamitin ito sa pagsusulat, pagbabasa, pag-aaral, presentasyon sa kliyente, pag kahit pagrerelax o pananatiling malapit sa iyong pamilya. Kung gaano ka katalino gumamit ng smartphone, gayon din magiging kapakipakinabang ito sa’yo.
GABI PA LANG, PLANUHIN MO NA ANG PARA BUKAS
Sa dahilang mas marami kang pisikal na enerhiya sa umaga, paggising mo, dapat aksyon agad! Sayang ang oras ng iyong kasiglaan kung noon ka pa lang mag-iisip o magpaplano ng gagawin. Sa gabi, bagamat pagod ka na, mas malawak din ang iyong perspektiba kumpara sa umaga.
MAGBAWAS NG SAGABAL SA ORAS MO
Pwede mong patayin ang cellphone mo at mag-lock ng pinto upang mag-concentrate sa trabaho ng walang sagabal na ibang tao. Subali’t ang talagang mas mainam na gawin ay sanayin ang mga tao sa paligid mo na irespeto ang iyong oras at huwag kang istorbohin sa oras ng pagtatrabaho. Ang gusto mong ipaintinde sa kanila, ay ayaw mo ma-sayang ang oras nino man, at ganito ang mangyayari kung sa gitna ng iyong trabaho ay magnanakaw sila ng iyong atensyon. Maiistorbo ang iyong ginagawa, at hindi mo sa kanila maibiigay ang sapat na atensyong nararapat sa kanila.
0 comments:
Post a Comment