| Leave a Comment

✪ Negosyo: Huwag Gawing Personal na Problema

Ang mahabang oras mo sa pagpupundar ng isang negosyo ay isang malaking stress sa iyong personal na buhay at pamilya, na dapat mong i-manage. 

Kungdi mo uunahan, magiging isa itong personal na problema, na dagdag pasanin sa’yo.

Hindi porke’t naiintindihan ka ng asawa mo, at buo ang suporta ng pamilya mo sa iyo at sa iyong negosyo, ay nangangahulugang hindi ito nakakapagod o nakaka-stress sa kanila. Ginagawa mo man ang lahat ng pagsisikap sa buhay para sa kanila, hindi pa rin dapat mawalan ng puwang sa oras, plano at iskedyul mo sila. Kung hindi mo pipilitin, hindi nila maiiwasan na makaramdam na sila ay gamit lang o palamuti sa buhay mo --- bagama’t sa isip nila, alam nilang mali ng nararamdaman nila.



Ika nga ng mga beteranong graduate ng mga negosyo courses ng Technology Resource Center (TRC), ang tunay na madiskarteng negosyante, hindi pabaya sa asawa at pamilya. Kung gaano ka kaselan sa atakesa problema sa negosyo, gayun din dapat sa problemang pang-relasyon at tahanan. Kung hindi, ay siguradong mamumrublema ka lang sa hinaharap, at malamang, kung kelan pa naman may krisis ka sa negosyo.

Narito ang ilang simpleng mga paraan...

1. BAGO KA MAGING SOBRANG BUSY, PAG-USAPAN NYO
Kung nagbabalak ka pa lang mag-negosyo, ipaliwanag mo na agad ang magiging impact ng pagsisimula ng negosyo nito sa iyong asawa at mga anak.

Kung establisado na ang negosyo mo, may mga panahaon na alam mong magiging mas busy ka kaysa sa karaniwan. Bago pa dumating, magpauna ka na. Minsan, sapat na yung sabihin mong nagpapasalamat ka sa kanilang sakripisyo at pagtitiis para maipahatid ang iyong sinseridad.

2. OO, ISALI MO SYA SA PAGHARAP MO SA PROBLEMA
Isang kamalian ng marami ay ang pagsadya na iiwas ang kanilang mga mahal sa buhay sa kanilang problema sa negosyo. Anila, sosolohin na lang nila ang stress, hindi na dapat madamay ang iba, lalo na ang kanilang asawa. Subali’t ang ugaling ito ay madalas pinaguugatan ng tampo at hindi pagkakaunwaaan.

Habang mas naiintindihan ng partner mo ang uri ng problemang kinakahartap mo, mas maibibigay nya ang unawa at suporta na kinakailangan mo. Ang konting stress na maidudulot mo sa kanila ay maliit lang kumpara sa stress na maiipon nila sa sairili habang nagmumukmok ka sa problema at hindi ka nila naiintindihan. Kausapin mo ang iyong partner tungkol sa mga nakakainis at nakakatuwang aspeto ng iyong negosyo, at huwag mong kalimutang kumustahin din ang kanilang maghapon, at kung ano ang mga challenges na pinagdadaanan din nila.

3. GUMAWA KA NG ORAS PARA SA ASAWA MO, KAHIT KAUNTI
Kahit gaano ka ka-busy, kilangan mo pa rin kumain. Gayon ang iyong relasyon, gaano ka man ka-busy, kailangan ng pagpapakain. Kung hindi ay maghihina, kung paanong manghihina ang iyong pisikal na katawan, at makakaapekto rin sa iyong negosyo.
 
Wala ng mas maigi pa kaysa mga “instant date”, kahit napaka simple lang. Basta magkasama kayo, gawin mong espesylal. Maiksing text message, kapag malayo ka, pwedeng malaki ang appreciation nila dito. Pwede ding “instant vacation” kahit na ilang oras lang ng relaxation sa bahay.    

Huwag din kalimutan ang mga simpleng bagay gaya ng facebook message at mga goodnight kisses sa mga bata. Ilang minutong playtime o harutan time sa mga bata, isingit mo, ikaw din ay mag-eenjoy!


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...