Puso sa Negosyo, Katumbas ay Asenso!
Isa sa nakakasabik na dahilan para makapag-simula sa pagnenegosyo ay ang posibilad na magkatotoo ang iyong matapang na ihaminasyon.
Para sa ilang negosyante, mas importante pa ito kaysa a pangarap na yumaman. “entrepreneurial passion” ang tawag nila dito sa ingles, at pwede mo itong gawing puhunan ng iyong asenso, lalo na kung sa palagay mo matagalan at masalimuot ang iyong pagdadaan bago yumaman...

Sa Bawat Kalamidad, May Oportunidad
Minsan pagod ka na at parang ang sarap na basta na lang isuko ang laban...
Lalo na kung lahat ng pinaghirapan mo ng matagal ay sinira ng kalamidad ng isang singkad. Sa panghihina ng iyong loob, naiisip mo na baka hindi talaga para sayo ang pagnenegosyo. Baka may ibang kapalarang naghihintay sayo. Baka naman pati ang kalikasan ay tutol sa iyong pag-asenso gaya ng maraming asungot sa tabi-tabi na kumukutya at nagmamaliit sa iyong abilidad at pagsusumikap sa negosyo.
Pero teka, bago ka malunod sa drama ng iyong kabiguan, maghunos ka. Kung gusto mong magluksa, sige! Pero itigil ang kahibangan ng pagsuko sa gitna ng pagsubok. Ito na nga ang pagkakataon mo para maging mas matatag na tao at negosyante. Kung paanong ang kidlat ay lumilitaw lang sa gitna ng bagyo, gayon din ang iyong gilas at abilidad ay pwedeng lumabas sa kasagsagan ng iyong pagharap sa bagyo na sumapit sa iyong negosyo.
Ngayon mo dapat huwag kalimutan na para sa isang negosyante, sa bawat kalamidad, may oportunidad...