| Leave a Comment

Matatag na Simula sa Pag-nenegosyo

Hindi madali ang magsimula ng bagong negosyo kahit pa sa tao na marami nang napatunayan dito. 

Kahit anong pag-aaral at preparasyon pa ang gawin, sadyang hindi natitiyak ang asenso o pagkalugi. Syempre, mas kaunti ang pagkakamali na nagagawa ng mga beterano, at gawa ng kanilang karanasan, hindi rin sila masyadong emosyonal pagdating sa pagharap sa mga krisis.

Subali’t, ayon sa mga negosyo experts lahat ng negosyante, beterano man o bagito, ay may mga bagay at prinsipyo na hindi dapat kaligtaan sa kanilang pagpupusirge sa negosyo...



1. LAHAT NG PAG-AARAL, MAY KATUMBAS NA KITA
May mga umasenso sa pagnenegosyo na hindi tapos ng pag-aaral sa eskwela, subalit walang humpay sa pag-aaral ng praktikal na diskarte at unawa sa negosyo. At bagama’t mas mahusay na guro ang karanasan kaysa libro, pa mang paraan mo upang matuto, ang iyong kaalaman ay tunay na kapital sa iyong asenso. Bilang negosyante, ikaw ang may-ari at imbentor ng iyong pansariling “edukasyon” sa tunay na mundo ng pagnenegosyo. Ang iyong asenso ang magsisilbi mong pinal na grado.

2. YUNG GUSTO NG TAO, ANG IBENTA MO
Sa unang tingin, parang obvious, pero kahit beterano, minsan nakakalimutan na kaya sila nagnegosyo ay upang ibenta kung ano ang in-demand. Bilang tao, hindi kasi maaialis na kung minsan emosyonal tayo at naka-pojkus sa sarili. Kung ano ang hilig natin, pinagpapalagay natin, yun din ang gusto ng iba. Bilang negosyante, wala kang panahon para sa bisyong ito. Lumabas kayo sa iyong sarili, at alamin kung ano talaga ang gusto ng mga kostumer mo. Talaga bang maraming may gusto sa naimbento mong bagong snack? Talaga bang naghahanap ang mga tao ng iba’t-ibang flavor ng tinapa? Talaga bang hanap sa inyong lugar ang health spa na nais mong itayo? Wala sa sarili mong isip ang sagot. Ang sagot ay makukuha mo matapos tanungin ang maraming tao. Kung ikaw lang ang may gusto ng negosyong balak mo, magpakatotoo ka at itigil ang balak. Sa halip, sumakay ka sa agos ng pangangailangan ng kostumer.

3. MAG DAGDAG-BAWAS SA PLANO
Sa plano ng iyong negosyo, bawasan ang inaakala mong kita; at dagdagan ang inaakala mong gastos. Sa ganitong paraan, mas magiging malapit ka sa katotohanan dahil sa totooo lang, hindi mo alam kung anong extrang pera ang kailangan mong gastusin, at hindi mo alam kung anong problema ang haharapin mo na pwedeng makabawas sa estimate mong kita.

4. MAGING ISTRIKTO SA GASTOS
Kahit milyon-milyon ang puhunan mo sa bangko, walang saysay na magtapon ng kahit ilang barya sa negosyo kung maiiwasan naman ito. Tandaan mo na bawa’t gastos ay hahatak pataas sa presyo ng iyong produkto dahil dapat mabawi mo lahat ng gastos bago mo masabing tagumpay ang iyong proyekto. Kung likas kang maluho dahil mapera ka, problema mo na yun; basta huwag mong dalhin ang ugaling ito sa pagnengosyo. Sa halip, gawin mong habit ang paghahanap ng paraan para makatipid. Gayun pa man, ay huwag kang magtipid sa tunay na importanteng mga bagay. Halimbawa, huwag kang maging barat sa “raw materials” ng iyong produkto. Kalidad na produkto ang nais mo, kayat sadayng mas mahal ang presyo ng gagamitin mong “raw materials”. Subali’t hanapan mo ng paraan maka-discount. Pwede kayang maka-discount kung marami ang order mo, o kung magiging suki ka ng supplier mo? Kung dumiretso ka kaya sa producer, halimbawa sa mga nagtatanim?
 
5. ANG TRABAHO MO AY KUMITA, WALA NANG IBA 
Hangga’t hindi pa kumikita ang negosyo mo, hindi pa ganap na negosyo yan. Bilang boss ng sarili mong negosyo, ang trabaho mo gabi at araw ay kung paano kumita ang iyong negosyo sa gayon ay merong kang pampa-sweldo sa sarili at sa tauhan. Oo, swelduhan mo ang sarili dahil hindi ka alipin --- at kahit hindi mo kailangan ng sweldo dahil marami ka pa namang pera sa baul. Sa ganyang paraan kasi magiging isang hamon sa’yo na lalong magtrabaho. Kakarampot lang ba ang katumbas ng lahat ng pinaghirapan mo? Hindi, diba? Kaya’t kayod pa. Bagama’t maraming alalahanin sa negosyo gaya ng pag-aasikaso sa mga empleyado, prayoridad mo na humananp lahat ng pwedeng paraan para lalo pang kumita mula sa iyong produkto o serbisyo.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...