Hindi awtomatiko ang asenso, at kapag aantok-antok ka, biglang bigla ay kulelat ka na pala at napagiwanan sa hagibis ng nagbabagong panahon -- bunsod ng mga paglago ng teknolohiya at pagbabagong anyo ng lipunan.
Ang negosyente ay dapat laging alisto sa problema at alerto sa pagbabago...
Laging handang humanap ng bagong solusyon sa lumang problema, laging tumutuklas ng bagong problema sa kabila ng masaganang daloy ng asenso:
1. TUMAKAS SA DATING PWEDE NA
Mahirap umasenso, ngunit kapag naakamit mo, hindi rin permanente ang paamamalagi nito. Lahat ay nagbabago, kaya’t kung yumaman ka man sa dati mong diskarte, dapat handa kang ibasura ito kapag niluma na ng panahon. Huwag kang padala sa pride. Sa realidad kaa manghawak. Laging may bagong produkto ang mga kalabaan mo, laging may bagong trend. Laging may bagong problema at laging may bagong oportunidad. Ang mga kostumer mo piniputakti ng mga nais umaagaw sa patok mong produkto. Kung hindi ka sasakay sa ragasa ng panahon, uunahan ka ng iba.
2. TAPATAN MO NG BAGONG DISKARTE ANG BAWAT ARAW
Samantalang ang mga kalaban mo sa negosyo ay nagkakamot ng ulo, ikaw naman ay dapat tahimik na nagbabadya ng bagong plano na pasasabugin. Kung paanong araw-araw, may bagong pag-asa at bagong problema, gayon ka rin, hindi napipinid sa basta pwede na. Ang hanap mo ay lalong mahusay na produkto at serbisyo, lalong murang presyo. Ikaw ang nagmamaneho ng kumpetisyon at lahat ng klaban mo ay nagkakandarapa upang maunwaan kung ano nanaman ang iyong pakana.
3. KALIMUTAN ANG DATING GLORIA
Kung ikaw ang numero uno ngayon, huwag mong isipin na walang kang dapat baguhin sa panalo mong diskarte. Tandaan mo na hindi ka nagnegosyo para sumikat kungdi para magsilbi sa pangangilangan ng mga kostumer. Kung may lilitaw na mas mahusay sayo, mas mura, mas masarap at kapanapanabik, hindi mag-aatubli ang mga kostumer mo na iwanan ka ng maabilis.
4. IDEKLARA ANG SARILI BILANG KAAWAY!
Marami kang pwedeng maging kaaaway sa negosyo subalit walang mas matinik at peligroso kungdi ang sarili mo rin. Kapag naakaarmdam ka ng pagiging kontento sa tagumpaay, huwag kang makikinig at magpapabaya sa pagiisip na panalo ka na nga. Kung ngayon ka pa hihinto, magiging panandalian lang ang iyong panalo. Kung pagod ka na sa pakikibaka sa negosyo, mas makabubuting ibenta mo na ang iyong negosyo habang nasa rurok ito ng tagumpay o kaya’y ipamana mo ang pamamahala sa mas bata at mas may enerhiya at imahinasyon kaysa sayo. Dahil kung hindi, ay unti-unting kakainin ito ng kalawang hanggang sa bumagsak sa karupukan.
0 comments:
Post a Comment