|

Game ka Bang Maging Negosyante?

Tulad ng boxing, ang pag-nenegosyo ay hindi para sa duwag at wala sa kondisyon.  

Dapat sigurado ka, sapagkat susulitin ka nito hanggang sa limitasyon ng iyong tapang, pasensya at kakayanan. At higit sa lahat, walang atrasan ang labang ito. Madaling maging matapang at masikap sa simula. Pero kapag pagod ka na, palpak at lugi pa, kapag wala ka nang tapang na ibubuga, doon mo lalong kailangan na maging matibay at mapagpatuloy sapagka’t sa ganitong pagkakataon nahuhubog ang iyong karakter, na siya namang magiging tunay na pundasyon ng iyong asenso.

May limang pamantayan na kailangan mong taglayin bago ka magdesisyon na pumasok sa pagnenegosyo. Kung kulang ka ng isa man sa mga ito, datapwa’t desidido ka pa rin magnegosyo, mas mainam na punan mo muna ito ng training o karanasan bago ka magpatuloy...



IN-LOVE KA SA IYONG PRODUKTO O SERBISYO
Ang pagsisimula ng khit anong negosyo ay isang napaka stressful na panahon. Sa sobrang kunsumisyon, maiisip mo kung tama ba ang desisyon mo sa pagpasok sa negosyong ito, lalo na kung mliit lang ang tubo sa umpisa o kaya ay wala. Lalong delikado kapag naguumpisa ka nang tumingin ng ibang oportunidad o ibang negosyo – huwag padala sa tukso! Subali’t maiiwasan mo ang lahat ng ito kung talagang in-love ka sa negosyo mo simula’t sapul at hindi yung pinasok mo lang ito dahil sa pag-aakalang malaki ang kita rito. Kapag in-love ka sa iyong produkto o serbisyo, mas mataas ang energy leevel mo sa pagtatrabaho. Kahit mga tauhan at kostumer mo ramdam ng saya mo. Kahit mukhang lugi ang negosyo, enjoy ka pa rin sa ginagawa mo dahil paraang naglilibang ka lang ng paborito mong laro. Sapat ang enerhiya mong ito para itawid ka sa stressful na panahon ng pagsisimula. Kung tama ang kalkulasyon mo, maguumpisa na ring umarangkada ang iyong kita.      

HANGGANG SAAN ANG TAPANG MO? 
Kaya mo bang isapalaran ang mahusay mong trabaho kapalit ng isang negosyong hindi mo talaga sigurado kung kikita baa o magbabaon lang sayo sa utang? Ang pagnenegosyo ay sadyang hindi para sa mga duwag. Ito ay hinahalintulad sa paglukso sa matarik na bangin, kung saan nililikha mo pa lang ang iyong pakpak habang nahuhulog ka. Walang negosynte, kahit gaano katalino at ka-eksperiyensado, ang makakatiyak ng tagumpay. Isa itong malaking sugal. Malaki ang kapalit kapag umasenso, subali’t malalim rin ng sakit kapag lumagpak.          


MAGALING KA BANG MAGDESISYON? 
Walang ibang gagawa ng desisyon mo paara sayo kungdi ikaw rin. Kaya’t kung hindi ka kumportable sa pagdedesisyon, mas mainam pang huwag mo na lang pasukin ng pagnengosyo. Sa sarili mong negosyo, sa iyo naakasalalay ang pagdedesisyon hindi lamang sa malalaking bagay kungdi ultimo sa pinakamaliliit na isyu. Kung hindi ka matiyaga, talagang uubusin ang pasensya mo. At syempre hindi namn pwedeng basta ka na lang magdedesisyon ng walang isip-isip. Kailangan katalinuhan ng pairalin. At habang tumatagal, ang maga desisyon na haharapin mo ay nagiging kumplikado at pahirap ng pahirap --- lalo na kung mali ang mga nauna mong desisyon.

KAYA MO BA NG RESPONSIBILIDAD?
Kapag opisyal ka sa isang malaking kumpanya, malaki ng responsibilidad mo. Kapag ikaw ang nagpapatakbo ng sarili mong maliit na negosyo, mas mabigat at mas marami ang mga responsibilidad mo. Kung magaling ka sa pagbebentaa sa kostumer, hindi pwedeng huhulaan mo lang kung ano ang gagawin sa pananalapi. Dapat magaling ka sa lahat na aspeto ng iyong negosyo. Kahit may tauhan ka pang maaasahan, kailangan marunong ka pa rin para hindi ma basta maisahan. Isang malaking hamon sa iyong kakayahan ang maging experto sa maraming bagay subalit makukuha ang lahat sa preparasyon, training at pagtitiyaga.

KAYA MO BANG BALANSEHIN ANG BUHAY MO? 
Kapag nagtatrabaho ka dose oras sa maghapon o higit pa, pitong araw sa isang linggo, walang quality time sa mga kaanak at kaibigan, walang libangan, walang pahinga --- mauupos ka at mahirap makabangon. Kapag nagkagayon, long apektado ang negosyo mo. Huwag mong lokohin ang sarili mo na kaya mo ng lhat na ikaw ay parang superman, hindi tinatablan ng pagod at pagkabagot. Magpaka-reyalistiko ka. Kapag naupos ka, hindi lang negosyo mo ang babagsak, kungdi pati personal mong mga relasyon at pati kalusugan mo. Samantalang napakadali lng blansehin ang buhay mo. Pilitin mo lang isingit ng ilang sandali ng paglilibang at pakikipag-kapwa. Kasama sa plano mo ang bakasyon. Huwag mong isipin na ang mga ito ay bisyo na pwede mong ipagpaliban kapag mayaman ka na. Ang tototoo, mayaman ka na sa maraming bagay ngayon pa lang, kayat enjoyin mo. Ikanga, ang tunay na mahirap ay yaong walang kayamanan sa buhay maliban ang salapi.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...