Kahit nagwagi ka na dati, at ikaw ang numero uno sa iyong larangan, o ang produkto mo ang paborito ng mga kostumer, hindi mo masasabi kung bukas ay numero uno ka pa rin. Sa negosyo, pwede kang mapag-iwanan ng mabibilis na daluyong ng kompetisyon, nagbabagong ihip ng panahon, teknolohiya, batas at lipunan.
Ang negosyente ay dapat laging alisto, at mabilis rumesponde sa pagbabago, gaya ng isang astig na marino ; gera kung gera, laging handang sumabak sa digma...
1. IBASURA ANG LUMANG AKALA
Lahat ng bagay ay nagbabago, kaya’t kung umasenso ka man sa dati mong diskarte, dapat handa kang ibasura ito kapag niluma na ng panahon. Dapat mong tanggapin ang realidad, lalo na sa panahon ngayon, na napakabilis ang takbo ng buhay. Laging may bagong produkto sa merkado laging may bagong trend. Laging may bagong problema at laging may bagong oportunidad. Kung hindi ka makaka-angkas sa mabilis na arangkada ng panahon, uunahan ka ng iba.
2. LAGI KANG GUMAWA NG BAGONG PLANO
Araw-araw, may bagong mga posibilidad na ipinapanganak, subalit hindi mo alam alin sa kanila ang mananaig na panalo sa araw ng bukas. Ang tanging paraan lang na magagawa mo ay paghandaan ang lahat ng posibleng mangyari. Sa gitna ng gera, kailangan mong gawin lahat para maka-survive –at ang pagwawagi ay ang nagiisang paraan para maka-survive sa negosyo. Kung nakahanda ang plano mo sa ano mang pangyayari, hindi ka magpapanic, alam mo ang gagawin, alam mo ang diskrate para makalusot. Samantalang ang mga kalaban mo sa negosyo ay nagkakamot ng ulo, ikaw naman ay sugod marino para isagawa ang plano mong detalyado.
3. KALIMUTAN ANG DATING GERA
Kung may nabasa ka man o nabalitaaang diskarte na isinagawa ng ibang negosyante para umasenso, gamitin mo ang mga yaon na inspirasyon pero huwag mong kopyahin. Gayahin mo ang kanilang determinasyon pero ikaw ang umimbento ng sarili mong paraan na angkop sa tunay mong sitwasyon ngayon.
4. SUMABAY SA AGOS NG PANAHON
Huwag na huwag kang mahumaling sa nagdaan mong pagwawagi. Masarap silang balikan sa ala-ala at isulat sa iyong talambuhay. Pero araw-araw, dapat bukas ang isip sa bagong paraaan, kahit yan pa ay kabaliktaran ng dati mong prinsipyo o ginawa. Maliban na lang na gusto mo nang magsara ng negosyo, walang ibang paraan umasenso at panatilihin ang asenso, kungdi ang sumabay ka sa agos ng panahon.
0 comments:
Post a Comment