Sa biglang tingin parang totoo nga. May mga tao na dahil sa desperasyon ay naglakas loob magnegosyo at Ilan nga sa kanila ay yumaman sa maikling panahon. Marami din namang buong sinop at ingat na pumasok sa pagnenegosyo, at pagdaan ng ilang panahon ay nauwi sa pagkalugi.
Sadya nga bang swerte-swerte lang ang pagnenegosyo?
Sa madaling salita, hindi. Bagama’t may mga pagkakahalintulad ang dalawa, malaki ang pinagkaiba nila. Sa sugal lahat ng baraha nakataob, ala tsamba ka talaga. Sa negosyo naman, kapag alam mo ginagawa mo, napakalaki ng laban mo.
LAMANG KA SA NEGOSYO
Sa sugal, wala kang magagawa sa baraha mo kungdi laruin ito. Sa negosyo, pwede kang mamili ng produkto o serbisyo na pagkakakitaan. Makapapamili ka rin ng lugar na pagtitindahan. Kung matiyaga ka lang, halos garantisado ang asenso mo dahil kahit pumalpak ka sa simula, pwede ka pang makabawi. At higit sa lahat, hindi mo kailangang talunin lahat ng kakupitensya mo para ka magwagi.
PAG-HANDLE SA PANGANIB NG PAGNENGOSYO
1.PUNAN ANG KAKULANGAN SA KAALAMAN
Ang kawalan ng malay sa pagnenegosyo ang pinakamalaking panganib para sa isang negosyante. Sa kabilang banda, ito rin ang pinaka madaling sugpuin dahil nasa sariling kontrol niya ito. Sa konting tiyaga sa pag-aaral at pag-sasaliksik, lahat pwedeng matutunan.
2.MAGIPON NG KARANASAN
Hindi sapat ang kaalaman sa pagnenegosyo. Kailangan mong maranasan ang iba’t-ibang aspeto nito. Isang mainam na paraan ang pagtatayo ng maliit na negosyo. Bukod rito, malaki rin ang maitutulong ng paninilbihan bilang empleyado sa industriya na nais mong pasukin.
3.KUMUNSULTA SA EKSPERTO
Bilang negosyante, wala kang oras para alamin ang lahat-lahat na kailangan mong malaman. Lalu na y’ung mga tungkol sa teknikal na bagay gaya ng batas at accounting. Bagama’t kung minsan may kamahanan ang bayad sa kanila, isaisip mong mas malaki ang mawawala sa’yo kung hindi ganap ang legalidad ng negosyo mo.
4.LAKASAN ANG LOOB
Sa huli, hindi maisasaisang tabi ang lakas ng loob. Kailangan mo ito upang hindi maligalig ng problema ang mga desisyon at diskarte mo. Bagama’t marami kang paraang magagawa para pumatok ang negosyo mo, sadyang ma’y mga problemang hindi mapaghahandaan at sitwasyong hinsi maiiwasan. Bawa’t problema ay pawang hamon sa galing at lakas ng loob mo. Ang ganap na pagka-bigo ay mangyayari lang kung susuko ka.
Ano man ang mangyari, tandaan mong may bukas pa para sa’yo. Hindi ito swerte, kung’di oportunidad. At kung hindi ka handa, malas mo! Masasayang lahat ng oportunidad na darating sa’yo.
0 comments:
Post a Comment