| Leave a Comment

✪ Maging Patok sa Negosyo!


Ang tagumpay sa negosyo ay hindi madali. Maraming bagay ang pwedeng humadlang sa pag-asenso. Bagama’t ang ilan sa mga hadlang na iyan ay talagang wala sa kontrol ng isang negosyante, dapat mong maunawa na ang iyong sariling tagumpay ay personal mong responsibilidad at hindi lubos na nakasalalay sa ikot ng mundo o kabutihan ng iba. Kumita ka man ng malaki o sa kalaunan ay malugi, ikaw bilang negosyante, at bilang tao, ay tagumpay pa rin; ano mang panahon ay lalong tumatatag at humuhusay.

Ito ang tinatawag na “winning attitude” o mapagtagumpay na kaisipan. Ito ang pinakahuling depensa mo bilang negosyante. Kung wala ka nito, hindi ka makakalabas ng buhay, ikanga, sa hamon ng buhay negosyo. Ayon sa mga eksperto ng Technology Resource Center (TRC) mahirap itong ituro, subalit kailangan matutunan.


1. TAASAN MO ANG PERSONAL NA STANDARD 
Ang kailangan mong pangarapin ay maging napaka galing: napaka husay sa negosyo, napaka taas na kalidad ng produkto at serbisyo. Hindi ko sinasabing maging mayabang ka o mataas ang pride. Ang pinaguusapan dito ay mataas na standard, mataas na kalidad ng pagka-negosyante. Kung hindi matayog ang standard mo, hindi mo mailalabas ang lahat ng galing o talento mo.

2. DAPAT “IN-LOVE” KA SA GINAGAWA MO
Madaling ma “in-love” sa isang pangarap. Ang kailangan mo ay masaya kang nagtatrabaho para sa negosyo mo, kahit puyat at pagod ka na.  Sa tindi ng pagdadaanan mo bago ka umasenso, kailangan mo ang pagiging “in-love” na ito para makaraos sa maraming pagsubok. Sa umpisa, madalas wala kang oras at sapat na pera para mag relax at mag libang. Subalit kung mahal mo ang ginagawa mo, ang trabaho mo mismo ay nakakalibang na, at nakaka-adik pa nga. Iisipin ng iba subsob ka sa trabaho, sa totoo lang, subsob ka sa pag-eenjoy!

3. MAGPAKA PULIS SA SARILI! 
Kung hindi ka naturuan ng disiplina sa sarili nung bata ka pa, hindi pa huli ang lahat. Pwedeng ikaw mismo maging pulis sa sarili mo, kailangan mo ito para umasenso sa negosyo.

Bukod sa pagiging magulang, walang trabaho ang pinaka demanding kungdi ang pagiging negosyante. Ikaw ang boss, pero ikaw din ang numero unong alipin at utusan. Dahil ikaw nga ang boss, wala kang maaasahan dumisiplina sayo maliban ang sarili mo rin. Kung naguumpisa ka pa lang bilang negosyante, ang “self-discipline” ang isa sa pinaka importante mong dapatpagtuunan ng pansin. Di bale nang malugi kung katangahan lang ang dahilan, karanasan ang magtuturo sayo. Pero kung ang dahilan ng pagkalugi ay kulang ka ng disiplina sa sarili, hindi ka makakalampas sa pagiging “beginner”.

4. HUWAG ISIPIN ANG PAGKA BIGO
Bagama’t kakambal na ng pagigigng negosyante ang posibilidad ng kabiguan, hindi dapat ito ang namamayagpag sa isip mo. Ano man ang mangyari, ano man ang panahon, isalang ang dapat mong tanong sa sarili: “paano maging tagumpay?” Ibig sabihin, laging nandoon ang pananalig na ikaw ay mananalo, ang problema lang ay kung kailan. Kung laging palaban ang attitude mo, ragasain man ng kalamidad ang negosyo mo, sa isip mo, lahat ay pagsubok lang. Habang buhay ka, pwede kang lumaban. At habang lumalaban ka, nandoon ang posibilidad na magtagumpay. At kung kaya mong magtagumpay sa maliit na bagay, kaya mo rin sa malaking bagay.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...