| Leave a Comment

Kelan Mo Pa Aabutin Ang Pangarap Mong Negosyo?

This is a "thought bubble". It is an...

Balang araw. Huwag kang mabahala. Darating din tayo dyan. Ilang beses mo na ba sinabi sa sarili ang ganitong mga kataga? Nakakasawa rin diba? Minsan pa nga ayaw mo na lang mapag-usapan ito. At kung may kaibigan o mahal sa buhay na nagtatanong, mas madaling sabihin na nawalan ka na ng gana, o may iba ka nang plano, basta lang makaiwas sa paksa.

Sa totoo lang, wala naman talagang dapat pakialam ang ibang tao sa plano at diskarte mo. Kaya lang nagiging mabigat ang paksang ito kung ikaw mismo eh hindi desidido kung kailan. Pero dapat ba talagang pagdesisyunan ang ganitong bagay? Sino bang makapagsasabi ng ililitaw ng bukas upang mapagdesisyunan kung bukas na nga ba o sa makalawa siya papasok sa negosyo? Hindi ba’t dapat isaalang-alang ang estado ng merkado at ekonomiya at maraming iba pang bagay na mahirap mahulaan kaya’t normal lang kung ma-delay o maging indecisive ang isang negosyante?



Subali’t may hangganan ang lahat ng paghinitay ng tamang timing o pinaka mainam na oportunidad. Bagama’t posibleng mayroon talagang perpektong timing, hindi praktikal na hintayin pa ito. Hindi rin praktikal na magkaroon muna ng perpektong plano at perpektong paghahanda. Sa katunayan, LAHAT ng negosyong matatag ay, kungdi man nagsimula ng palpak, ay nagdaaan sa mga krisis. Itinuwid ang mga mali habang nasa ere, at sa pagtitiyaga ay nakalusot.

Tulad ng isang mandirigmang may respeto sa sarili, minsan kailangan mo lang talagang sumugod sa gitna ng walang kasiguruhan; habang may natitira ka pang lakas at tapang. Dahil minsan, dumarating ang sandali na ang nagiging kapalit ng hindi pagkilos ay ang pagkasira ng tiwala sa sarili, at kasabay nito ang pagkasira ng mga pangarap at pangako ng magandang bukas. Ikanga, minsan mas mabuti pa talagang lumaban ng talunan, kaysa matalo dahil ubos na ang oras mo datapua’t wala ka pang nagagawa.

Hindi naman ibig sabihin ay magpakatanga ka at sumugod sa laban na sugal ang buong kayamanan ng angkan mo! Hindi. Sumugod ka sa laban kahit malabo ang kasiguruhan mo subali’t may kaunting puhunan lang na handang ipatalo. Sumugod ka sa pagaakalang may karunungan kang mapupulot na magagamit mo sa mga susunod na laban.

Kung desidido ka na sa pagnenegosyo subali’t hindi ka pa desidido kung anong uri ng negsoyo, pwede na yun. Pwede kang magsimula ng kahit anong negosyong makursunadahan mo. Sa totoo lang, wala sa kamay mo ang buong desisyon. Kailangan mong malaman kung ano ang negosyong hiyang sayo at patok sa publiko. Matututunan mo ito hindi sa pagiisip kungdi sa pageeksperimento  at saring pagdadanas. Kaya’t kung wala ka pang karanasan sa pagnenegosyo, kahit anong negosyong legal na una mong pasukin, siguradong magkakamal ka ng karunungan (at kunsumisyon, syempre) na magiging pundasyon ng asensado mong kinabukasan.

Enhanced by Zemanta

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...