| Leave a Comment

May Negosyo sa NSTW Expo!

Sa pagnenegosyo, sadyang hindi natatapos ang pagtuklas ng bagong diskarte, bagong ideya, at bagong mga oportunidad...

Hindi mo dapat panghinyangan ang oras na igugugol mo dito dahil isang uri ito ng investment o pamumuhunan para sa iyo ring sariling ikauunlad.

Wala ring limitasyon ang paraan ng pagtuklas. Bilang negosyante, dapat ay palawakin mo ang iyong pagbabasa at pakikipagkapwa-tao. Palawakin mo ang iyong network at aktibo mo itong alagaan sa paraang hindi naman makakaubos ng oras mo. Ang pakay mo ay hindi makipag-sosyalan kungdi palaguin ang oportunid na nakikita mo.

Isa sa mga oportunidad na hindi mo dapat pinalalampas ay ang dumalo sa mga malakihang trade fairs gaya ng National Science and Technology Week Expo (NSTW) simula July 23 hanggang July 27, 2013 na gaganapin sa SMX Convention Center, Mall of Asia sa Pasay City.



Ang pagdalo sa mga trade fairs at iba pang events na gaya nito ay may napakalaking pakinabang dahil maituturing ito bilang short-cut na kumbinasyon ng pag-babasa at pakikipag-ugnayan sa tao. Narito ang ilang panuntunan para malubos mo ang iyong oras sa trade fair:

MAMINGWIT KA NG IDEYA
Kung nagiisip lka pa lang ng negosyo, maraming ideya ang mapupulot mo sa isang de kalidad na trade fair. Kung meron ka nang establisadong negosyo, makasusungkit ka din ng maraming inspirasyon para ma-improve ang iyong produkto o serbisyo. Tandaan mo na ang kita sa pagnenegosyo ay nagiging posible lang kapag nakakatugon ka sa pangangailangan ng tao. Subali’t dahil sa kumpetisyon at nagbabagong hugis ng pangangailangan ng tao, ang nagiging sentro ng matagalang asenso sa negosyo ay inobasyon --- o ang pagimbento ng mas mahusay at mas murang solusyon sa mga suliranin ng tao. Inobasyon ang susi para ka makapasok ng tagumpay sa negosyo, at inobasyon ang susi para ka manaig at maghari sa kumpetisyon. Ang prosesong ito ng inobasyon ay hindi natatapos subalit naguumpisa lang sa simpleng pamimingwit sa ideya ng iba na libre mong makukuha sa mga technology-oriented na trade fair gaya ng NSTW Expo.

MAGING MATINIK SA OPORTUNIDAD
Ang kinabuksan ng iyong negosyo ay hindi nakasalalay sa nakaraan o sa kasalukuyan kungdi sa hinaharap kung saan ito kailangan makipag-sagupaan sa merkado. Kaya’t gaya ng isang weather expert, ang negsoyante ay dapat marunong kumilatis at makiramdam sa mga posibleng hugis ng hinaharap sa pamamagitaan ng pagtuklas at pagunawa sa implikasyon ng mga teknolohiyang available sa ngayon pa lang. Kapaki-pakinabang ba ang teknolohiyang ito? Mas magiging mura ba ito sa hinaharap? May kaakibaat bang produkto o serbisyo na kakailanganin ang teknolohiyang ito na pwedeng kong i-offer bilang negosyante? Posible ba, sa direkta o hindi-direktang paraan, ay maapektuhan ng negatibo o positibo ang negosyo ko pag pumutok sa merkado ang teknolohiyang ito? Ano ang dapat na adjustment na gagawin ko kung sakaling dumating ang panahong yaon? Ganito at marami pang katulad nitong tanong ang dapat umaandar sa isip mo habang ikaw ay nagmamasid sa expo o trade fair.

MAG-NETWORKING 
Sa trade fair ay napakalawak ng oportunidad na palawakin mo ang iyong network sa negosyo. Nariyan ang mga potensyal na kliyente na pwede mong alukin ng produkto o serbisyo. Nariyan din ang mga potensyal na consultant o supplier na pwede mo namang kontratahin para mag-supply ng kanilang serbisyo o produkto na mas mura o mas mataas na kalidad. Sa event na kagaya ng NSTW Expo, nariyan din ang mga taga gobyerno na may mga programa na layuning tulungan ang mg negosyanteng kagaya mo. Pagkakataaon mo na ito para alamin ang detalye sa mismong mga opisyal at tagapangasiwa ng NSTW.

Malay mo, sa susunod na taon, hindi ka na taga-masid lang, kungdi isa ka nang exhibitor!

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...