| Leave a Comment

May Negosyo sa NSTW Expo!

Sa pagnenegosyo, sadyang hindi natatapos ang pagtuklas ng bagong diskarte, bagong ideya, at bagong mga oportunidad...

Hindi mo dapat panghinyangan ang oras na igugugol mo dito dahil isang uri ito ng investment o pamumuhunan para sa iyo ring sariling ikauunlad.

Wala ring limitasyon ang paraan ng pagtuklas. Bilang negosyante, dapat ay palawakin mo ang iyong pagbabasa at pakikipagkapwa-tao. Palawakin mo ang iyong network at aktibo mo itong alagaan sa paraang hindi naman makakaubos ng oras mo. Ang pakay mo ay hindi makipag-sosyalan kungdi palaguin ang oportunid na nakikita mo.

Isa sa mga oportunidad na hindi mo dapat pinalalampas ay ang dumalo sa mga malakihang trade fairs gaya ng National Science and Technology Week Expo (NSTW) simula July 23 hanggang July 27, 2013 na gaganapin sa SMX Convention Center, Mall of Asia sa Pasay City.